Tuesday, September 18, 2012

tama na

Galit na galit ako sa'yo. Bahala ka na. Nakakainis na sobra. Pagod na ko. Hindi ko na alam kung anong klaseng pagpapaliwanag pa gagawin ko para lang maintindihan mo yung nararamdaman ko. NAKAKAINIS SOBRA. Itatapon mo lahat ng yun dahil sa NAPAKAWALANG KWENTANG BAGAY. Gumagawa ka ng sarili mong problema.

Namaga na nga ng sobra yung mata ko kakaiyak buong gabi. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung pano aayusin 'to. Kung pano ipapaintindi sa'yo. Pakiramdam ko binalewala mo lahat ng pagmamahal ko sa'yo nang dahil lang dun. Dahil sa maliit na bagay na yun. Nasasaktan ka sa wala. Parang hindi enough sa'yo yung love. Hindi sapat na mahal kita. Gusto mo pati yun itapon ko. Hindi mo alam kung gano kaimportante sakin ang magsulat. Wala kang alam. Hindi mo ako kilala.


AYOKO NA.


something popped out at 1:06 PM
would you care to stand by me? --> 0 people stood by me.

Thursday, August 9, 2012

Dear Mom



I officially hate you right now. I don’t feel the love anymore. But I don’t have the courage to tell you everything. To ask you all these questions running through my head..

Nung nagka-boyfriend ka 5 years ago, tinanong mo ba ako kung okay lang sakin?
Nung nag-movein na siya sa bahay natin, tinanong mo man lang ba ako kung okay lang na sa iisang kwarto lang tayo natutulog lahat?
Nung nagpakasal kayo, tinanong mo rin ba ako kung matatanggap ko yun?
Kapag sinabi ko bang hindi, mapipigilan kita? Pero hindi ko naman gagawin yun. Kahit na sobrang selfish kong tao, hindi ako hahadlang sa kasiyahan mo. Pero pano naman ako?
Sa lahat ng desisyon na ginawa mo, naisip mo man lang ba ako? Feeling ko kasi walang wala na ako sa’yo eh. Parang ginagawa mo na lang lahat ng yun dahil kailangan. Dahil anak mo ako. Dahil obligasyon mo yun bilang ina. Pero hindi dahil mahal mo ako.

Madalas na sinasabi sa mga palabas sa tv na kapag nagpakasal yung parent mo, dalawa na silang magmamahal sa’yo. Pero bakit parang hindi ko naman naramdaman yun? Imbis na magkaron ako ng tatay na magmamahal sakin, parang nawalan pa ko ng nanay. Nawala na yung atensyon sakin.
Yung simpleng paghatid/pagsundo sakin sa dorm, kinakatampo ko yun. Dati lagi naman akong hinahatid/sinusundo ah. Bakit ngayon kailangang nandiyan pa siya para lang maihatid ako? Hindi ba pwedeng ikaw ang magdrive? Hindi mo na ba ako kayang ipag-drive? Kung wala kasi siya, parang ayaw mo na ako puntahan eh.
Minsan naisip ko, mas okay pa yung dati. Yung tayong dalawa lang. Pero siyempre naisip ko rin naman pano pag tanda mo, mas maganda nga naman yung may makakasama ka. Pero ang hirap kasi talaga.

Pakiramdam ko unti-unti akong nawawalan ng nanay. Parang mula nung nag-college ako, hindi na tayo ganun ka-close. O baka ako lang yun.
Nagsimula lang naman ‘tong pagdadrama ko ngayon dahil sa simpleng hindi ulit pagsundo sakin at sa pagpapagamit ng kwarto, kama, at unan ko sa ibang tao. Oo selfish ako, possessive ako sa gamit. Pero diba sa lahat ng tao, dapat ikaw ang nakakaintindi nun? Ayoko talaga ng may gumagamit ng gamit ko. Ang akin, akin lang. I don’t like sharing. Sige fine, tinanggap ko na yung kwarto pati kama. Tinanggap ko na rin na sa kwarto ninyo ako matutulog. Pero yung unan talaga, dun ako nainis. Personal stuff kasi yun para sakin. Kahit nga sa mga pinsan ko hindi ko yun ipapagamit, sa ibang tao pa kaya? Ni hindi ko nga sila kilala eh. Okay kamag-anak sila ng asawa mo but they’re a total stranger to me.

Please Mom, don’t expect me to accept everything. I don’t like how people are just coming into our lives like that. It’s a big deal for me.
It just pisses me off because it’s as if you don’t understand me. Anak mo ako. Bakit hindi mo maintindihan?

Haaay. Nakakamiss lang talaga yung dati. Yung tayong dalawa lang.


something popped out at 4:27 PM
would you care to stand by me? --> 0 people stood by me.

Sunday, February 6, 2011

a LETTER found someplace else

Naiinis ako kasi ang lakas lakas ng loob mong mag-emo dahil sa nararanasan mo ngayon. Naisip mo kaya na yun din ang pinaparanas mo sakin? Alam kong masakit. Pero kasi,

Nang-iwan ka rin.

Nag paasa ka rin.

Nakasakit ka rin.

Nakalimot ka rin.

Tingin mo ako hindi imbisibol sa'yo ngayon? Dinadaan-daanan mo nga lang ako e! Parang hindi mo ko nakikita. Parang hindi mo nararamdamang kailangan kita.

TORTURE? You tortured me as well!

may totoo ba sa mga pinakita mo?

O pambobola lang lahat ng yun? Shet. Napaniwala mo ko!

KISAPMATA. Ewan ko kung mabilis talagang makalimutan ang isang linggo pero yung isang buwan.. Isang buwan, nakalimutan na? Halos isang buwan mo akong sinanay ng ganito tapos mawawala ng ganun-ganun lang?

Para bang walang nangyari

Di mo man lang sinabi

Babalik pa kaya? May mangyayari pa kaya kahit masagot ko na yung tanong mo?

"mahal mo ba ako?"

Sabihin mo lang kung may mapapala pa ba ako.

Nakakainis talaga

Nagmuka tuloy akong tanga

Pinaasa mo kasi

Ewan ko lang ah, pero tingin ko naman may karapatan akong "umasa" dahil sa mga ipinakita mo sakin. Kaya lang, baka masyado akong umasa sa

"I want to fall in love with you"

Hindi ko naisip na posibleng hindi yun mangyari. Na hindi ka mag-fall. Na maging masaya ka lang kapag kasama mo ako pero hindi mo ako mahalin. So ano ako?

Oo nga pala, hindi nga pala tayo

Hanggang dito na lang ako, nangagarap na mapa-sa'yo

Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko

Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?

Nahihilo, Nalilito

Asan ba ko sa'yo? Aasa ba ko sa'yo?

Ang galing. Nung tinugtog yung kanta para sa'yo, napaiyak ako sa likod. Mag-isa lang ako nun. Ramdam na ramdam ko na talaga yung feeling ng iniiwan. Sabi ko sa sarili ko

"Ganito pala yung domino effect. Makikita mo yung taong gusto mahal mo na nasasaktan dahil sa ibang taong mahal niya tapos yun na yun din yung mararamdaman mo. Doble pasakit pa nga yata eh. Bakit hindi nila naisip na i-dedicate yung kanta sakin? Invisible ba talaga ako??"

dapat ikaw ang kinakausap ko tungkol dito..

Pero hindi ko yun magawa. Dahil baka ako naman pala yung mali. Baka naman hindi ko alam na bago pa magsimula yung linggong sumira ng lahat ay binitawan mo na ako.

di ako sa'yo, hindi ka sa'kin

sakaling gustuhin ko,

bibitawan kita.

Natatakot akong malaman na ginusto mo akong bitawan. Na baka binitawan mo na nga ako. Kung yun nga ang nangyari, hindi ito ang unang beses na binitawan ako ng isang tao. Pero ito ang unang beses na binitawan ako ng walang pasabi. Mas okay pa yung dati e, sinabihan ako ng

"I'm letting you go"

Sobrang sakit. Pero at least malinaw.

Actions speak louder than words but words are always clearer.

Aaminin ko, ayokong matapos yung "tayo". Gustung-gusto kong bumalik sa dati. Ang tanong, GUSTO MO BA? Ayoko nang umiyak. Ayoko nang magpakalugmok. Napaka-nonsense na ng mga pinaggagagawa ko dahil hindi mo naman napapansin. You're so busy thinking about yourself. Kung sa bagay, ikaw na rin ang nagsabi, lahat ng tao selfish. Sana matutunan kong maging selfish pagdating sa'yo. Sana kahit minsan, isipin ko naman yung sarili ko (although kung titingnan mo, sarili ko rin naman ang iniisip ko dahil ayokong masaktan).

Nagbago ba ako? Hindi ko alam. Baka nga nagbago ako dahil sa'yo. Pero

sana alam mo yun..

na ikaw yung nagbago..

na ikaw yung naging dahilan kung bakit umasa ako..

Sa kabilang banda, hindi rin talaga kita masisisi. Naisip ko kasi, halos ganito rin naman yung ginawa ko dati. Nung binitawan ko siya para sa'yo. Siguro ganito rin yung naramdaman niya. Yung pakiramdam ng iniwan sa ere. Ang gulo ng mundo. Bakit 'to nangyayari sa'tin?

something popped out at 1:48 AM
would you care to stand by me? --> 2 people stood by me.

Friday, November 12, 2010

if i were a BOY.

Sana naging lalaki na lang ako, para hindi nasasayang yung pagmamahal na kaya kong ibigay. Sana may napapasaya akong babae o di kaya, sana nagagawa ko sa'yo yung mga bagay na gusto kong gawin mo sakin.

Sana lagi kitang napupuntahan sa school. Sana naihahatid kita pauwi. Sana nasasamahan kita sa lahat ng lakad mo. Sana napadadalhan kita ng sulat buwan-buwan. Sana naipapakita ko sa'yo kung gaano kita kamahal at sana maramdaman mo yun.

Sana nabibilhan kita ng pagkain. Sana nakakasabay kitang maglakad. Sana lagi akong nandiyan para iyakan mo kapag malungkot ka. Sana lagi kitang kasama kapag masaya ako. Sana naipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Sana rin nakikilala ko mga kaibigan mo.

Sana napagbubuksan kita ng pintuan. Sana napapauna kitang sumakay sa jeep. Sana naaalalayan kita kapag bumababa ng bus. Sana natutulungan kita sa pagdala ng gamit mo. Sana nalilibre kita ng ice cream.

Sana natetext kita araw-araw. Sana natatawagan kita gabi-gabi para lang kamustahin ka. Sana nadadalaw kita sa bahay niyo. Sana nakakapaglaro tayo ng mga sports na hilig mo. Sana nakakapanood tayo ng movies na paborito mo.

Sana hindi na tayo magkahiwalay.

Sana naging lalaki na lang ako..

Sana.

something popped out at 10:33 PM
would you care to stand by me? --> 12 people stood by me.

Saturday, August 7, 2010

still, I'm UNSURE..

After everything that happened in the past 2 years, I wasn't sure about you anymore. I'm trying my best to believe in you, because above all people, I should be the one who understands you more. I don't know why, but I'm still in doubt. Maybe because of all those things that you've done, even if I'm your best friend, I still find it hard to put all my trust in you. I'm afraid of getting hurt again.

But then again, I want to give it a try. I want to believe in you. I want to believe that what you feel is real. Who knows? Maybe this time you'd really change, for me.

something popped out at 8:49 AM
would you care to stand by me? --> 0 people stood by me.


18 years old.
CSA Biñan alumna.
UP Diliman iskolar
I looovee Dino Imperial,
Jun Matsumoto and
Jerry Yan.
that's cause...
I'm a girl.
And a pretty one too. XD

OPTIMISTIC.CRAZY.LOUD.MEAN.

The EMPRESS ♥



  • K A T R E E N A
    i just so love my name.
    If you think you know me,
    read my blog and think again!
    i'm imperfect, so what?
    FYI, this is my site so
    Click here if you hate it.

    Thoughts ♥



    You TALK ♥




    • love me OR hate me