I officially hate you right now. I don’t feel the love anymore. But I don’t have the courage to tell you everything. To ask you all these questions running through my head..
Nung nagka-boyfriend ka 5 years ago, tinanong mo ba ako kung okay lang sakin?
Nung nag-movein na siya sa bahay natin, tinanong mo man lang ba ako kung okay lang na sa iisang kwarto lang tayo natutulog lahat?
Nung nagpakasal kayo, tinanong mo rin ba ako kung matatanggap ko yun?
Kapag sinabi ko bang hindi, mapipigilan kita? Pero hindi ko naman gagawin yun. Kahit na sobrang selfish kong tao, hindi ako hahadlang sa kasiyahan mo. Pero pano naman ako?
Sa lahat ng desisyon na ginawa mo, naisip mo man lang ba ako? Feeling ko kasi walang wala na ako sa’yo eh. Parang ginagawa mo na lang lahat ng yun dahil kailangan. Dahil anak mo ako. Dahil obligasyon mo yun bilang ina. Pero hindi dahil mahal mo ako.
Madalas na sinasabi sa mga palabas sa tv na kapag nagpakasal yung parent mo, dalawa na silang magmamahal sa’yo. Pero bakit parang hindi ko naman naramdaman yun? Imbis na magkaron ako ng tatay na magmamahal sakin, parang nawalan pa ko ng nanay. Nawala na yung atensyon sakin.
Yung simpleng paghatid/pagsundo sakin sa dorm, kinakatampo ko yun. Dati lagi naman akong hinahatid/sinusundo ah. Bakit ngayon kailangang nandiyan pa siya para lang maihatid ako? Hindi ba pwedeng ikaw ang magdrive? Hindi mo na ba ako kayang ipag-drive? Kung wala kasi siya, parang ayaw mo na ako puntahan eh.
Minsan naisip ko, mas okay pa yung dati. Yung tayong dalawa lang. Pero siyempre naisip ko rin naman pano pag tanda mo, mas maganda nga naman yung may makakasama ka. Pero ang hirap kasi talaga.
Pakiramdam ko unti-unti akong nawawalan ng nanay. Parang mula nung nag-college ako, hindi na tayo ganun ka-close. O baka ako lang yun.
Nagsimula lang naman ‘tong pagdadrama ko ngayon dahil sa simpleng hindi ulit pagsundo sakin at sa pagpapagamit ng kwarto, kama, at unan ko sa ibang tao. Oo selfish ako, possessive ako sa gamit. Pero diba sa lahat ng tao, dapat ikaw ang nakakaintindi nun? Ayoko talaga ng may gumagamit ng gamit ko. Ang akin, akin lang. I don’t like sharing. Sige fine, tinanggap ko na yung kwarto pati kama. Tinanggap ko na rin na sa kwarto ninyo ako matutulog. Pero yung unan talaga, dun ako nainis. Personal stuff kasi yun para sakin. Kahit nga sa mga pinsan ko hindi ko yun ipapagamit, sa ibang tao pa kaya? Ni hindi ko nga sila kilala eh. Okay kamag-anak sila ng asawa mo but they’re a total stranger to me.
Please Mom, don’t expect me to accept everything. I don’t like how people are just coming into our lives like that. It’s a big deal for me.
It just pisses me off because it’s as if you don’t understand me. Anak mo ako. Bakit hindi mo maintindihan?
Haaay. Nakakamiss lang talaga yung dati. Yung tayong dalawa lang.
